Lumang Kaibigan

Kaibigang itinuring kong kapatid,
Na buong akala ko’y kasama ko hanggang himpapawid.
Kasa-kasama sa anumang balakid,
Bakit ito na tayo unti-unting napapatid.

Noo’y di mabilang mga tawa at ngiti,
Bakit ngayo’y ito tayo at ilang sa isa’t isa.
Hindi akalain na darating sa ganito,
Bakit tayo ngayo’y nagkakagulo.

Di ko alam saan nagumpisa ang kalungkutang ito,
Biglang naramdaman na wala na lahat lahat sayo.
May nagawa ba ko sayo aking kaibigan?
Dahil narito ako sa sulok, nananahimik at gulong gulo.

Alam kong may poot at galit na nabubuo,
Bakit hindi ako tapatin at ating ayusin ito.
Hindi kailangang padaanin sa iba,
Bagkus sabihin sa akin, mata sa mata.

Di man natin maayos,
Sana maging kuntento sa kung anong meron ka.
Huwag ng silipin ang iba,
Datapwat manahimik ka.

Ako’y nalulungkot sa tuwing may naririnig,
Di man sabihin ng diretso, alam kong gusto mong ipabatid.
Walang gustong magkaganito tayo,
Pero sa nararamdaman ko, ito na ang dulo.

Salamat sayo kaibigan ko,
Salamat sayo, Salamat sayo.
Hanggang sa muli.
Lumang kaibigan.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s