Bawal na pagkakaibigan

May mga bagay na bawal kasi hindi hinahayaan ng batas. May mga bagay na bawal dulot ng mapanghusgang mundo. May mga bagay na bawal dahil itinakda ng ating mga ninuno. Higit sa lahat, may mga bagay na bawal na hindi natin namamalayang unti-unting nagiging basehan ng ating pagkatao. Gusto man o hindi, may limitasyon sa bawat kilos mo. Tao pa din ang nagpapalakad sa lupang kinatatayuan mo. Maraming pedeng mabago.

Kung susumahin, di na natin mabibilang ang mga patakarang di nasunod, mga alituntuning di naisakatuparan at mga batas na binalewala. Walang sinuman ang nabubuhay na perpekto sa mundong ito. Kahit ako o kahit man ikaw ay may tinatago.

Hanggang kailan ko kailangan itago ang pagkakaibigang meron tayo? Sadyang bang mali ito o talagang takot lang ako?
Takot sa kung anung sabihin ng mga taong nakapaligid sa akin, sa maririnig kong masasakit na bagay laban sa kaibigan ko.
Hindi nila alam ang buong kwento, sino sila para pagsalitaan ako ng ganito?

Kahit ako hindi ko alam kung saan to patungo, Basta ang tanging alam ko ay masaya ako at kuntento kung anu meron kame ng kaibigan ko.
Kaibigan kong totoo at ipaglalaban hanggang dulo.

Advertisements

2 thoughts on “Bawal na pagkakaibigan

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s