Totoy

Gaano ba kahirap mag tapat ng nararamdaman?

Katanungan na ang sagot ay ikaw lang ang may alam.

Sagot na kailan man hindi mo ipinaalam kanino man.

Kahit sila man gulong gulo sayong mga kasagutan. 

Bakit nga ba hindi mo sabihin ang iyong nararamdaman?

Takot ba sa mga kaibigang sa pag ibig ay mang-mang.

Na kahit kailan hinding hindi nila maiintindihan.

Ang mga bagay na tayong dalawa lang may alam.

 

Pagkakaibigan na nauwe sa isang pagiibigan

Na kailan man mali sa mata ng karamihan.

Pagibig na tinago at kalaunan inamin din naman.

Nararamdaman na kahit kailan hindi ko pinagsisihan.

 

Hanggang nauwe sa sakit at ika’y aking nasaktan

Pero kailan man hindi nagbago ang aking naramdaman

Pakiramdam na muli ko sayo’y natikman

Ngunit ang lahat ay mali at kailangan Tuldukan.

 

Pero heto tayo’t pagkakaibigan patuloy na pinaglalaban

kahit na ang karamihan bulag sa katotohanan

pagkakaibigang ipinaglalaban sa likod ng mga kaibigan.

Pagkakaibigan na sana malaman na ng karamihan.

 

Huling tanong ko sayo aking kaibigan,

Naging tapat kaba sayong nararamdaman?

Sana masagot ang aking katanungan,

para matapos na ang aking kahibangan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s