Bugso ng emosyon

Madaming pumapasok sa isip ko. Para na ngang sasabog ang utak ko ngayon. Madaya naman kasi eh. Ilang taon ko pa ba pagbabayaran ang panahong itinapon na lang ng matalik kong kaibigan sa mukha ko? Ako na lang ba ang laging iiyak at makakaalala sa lahat? Ang sakit sakit na. Lord, may maganda ka bang plano samin? Bakit ganito? Hindi ako makawala sa anino niya. Hindi ko mapatawad ang isang taong mas pinili lang namang tapusin ang pagkakaibigan namin sa isang iglap. Hindi nga ba makukumpara ang tibay nito sa tagal ng aming pagsasama? Sawang- sawa na po ako. Pakiramdam ko, ako lang lagi ang nagmamahal ng totoo. Na walang taong hahamaking mahalin ako ng wagas kasi iniiwan lang nila ako kapalit ang nakilala nila sa maiksing panahon. Pagod na akong umasa na babalik pa sila at magpapakatawaran kami.

Tapos ngayon, susundan pa ng maraming pakabigo sa pagkakaroon ng kaibigan? Bawal na ba talaga? Sana sa bawat luhang dumadaloy sa mata ko, unti-unti silang nahihimasmasan sa ginawa nila. Wala naman akong ginawang masama ah. Di bale na lang kung ang pagmamahal ay mali at ang pagiging mabuti ay hindi makatarungan. Wala na ba talagang taong mananatili sa tabi ko sa buong buhay ko, bukod sa pamilya ko at sa Panginoon? Susukuan din ba ako ng mga taong nasa paligid ko? Ganito na ba kahirap maghanap ng tunay na kaibigan sa panahon ngayon?

Napakabigat sa  pakiramdam na may dalahin akong hindi ko na kinakailangan. Mahirap magmahal na nagaalangan ka kung mananatili ba ang taong iyon sa buhay mo o isa rin siya sa maraming taong nangiwan sayo. Ang sarap tanungin sa sarili kung bakit napakadaling gawin sa iba ang mga bagay na tinuturing mong kasalanan at hindi karapat dapat. Naisip ko, wala na nga yata akong nararamdaman. Umiiyak ako pero wala ng dahilan. Nangungulila ako sa mga taong wala na. At umaasa ako sa mga bagay na matagal ng bumitaw sa akin.

Panginoon, pede po bang abisuhan niyo ako? Hindi ko na yata kakayanin ang paulit-ulit na pangyayaring ito sa buhay ko. Hindi po ba pwedeng magbago ang isang tao para sa mas makakabuti at hindi sa mas makakasama sa kanya? Ayoko na pong magmahal kung hindi rin lamang ako susuklian nito. Hindi po ako makasarili pero hindi po ba maaring huminigi sa inyo ng mga bagay na ikasisiya ko? Kayo po ang kumukumpleto sa akin pero hindi ko din po maikakaila na binubuo din ako ng mga taong nakakapaligid sa akin.

Kaya humihingi  po ako ng talino at karunungan kung paano ko sila pakikisamahan na hindi ako masasaktan. Turuan po ninyo akong magmahal ng aking sarili higit sa pagmamahal ko sa aking kapwa nang sa gayon, hindi po ako nasisira gaya ng mga relasyong meron ako. Bigyan niyo po ako ng kalakasan at katapangan na harapin ang bawat araw ng may galak at pagasa na ang lahat ay nangyayari sa inyong panahon at pamamaraan. Nais ko pong magtiwala at manampalataya na may taong magpapakita sa akin kung paano tunay na magmahal kasi sa mga panahong ito, kami ay inihahanda mo lamang sa mas maganda mong plano para sa bawat isa. Nawa po ay maunawaan ko ito ng buong puso at maisapamuhay ko. Salamat po sa lahat at alam ko na unti-unti niyong inaalis ang sakit at pangungulila na meron ang puso ko sa ngayon. At kung maranasan ko po itong muli, mas matalino na ako sa pagdedesisyon at alam ko na po ang nararapat gawin. Tanging panalangin ko lang po na turuan niyo itong puso ko na magmahal gaya ng pagmamahal na meron kayo para sa mga tao. Paulit ulit man po ang pagbabalewala at pagtataksil, patuloy  pa rin itong nagmamahal. Kasi naniniwala ako na ang pag-ibig lamang ang kailangan ng bawat isa para tunay na lumigaya.

Advertisements

2 thoughts on “Bugso ng emosyon

  1. Kaibigan..I’m 20 now, nangungulila dn ako s isang tunay na kaibigan para sa akin. Hnihingi ko dn ito s Panginoon, pero ang Kanyang tugon, “Ikw ang maging tunay n kaibigan para sa iba.” Indeed His Love is selfless.. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s